Kilig. :>

Naman! Galing kaming Gaisano Mall tapos pumuntang SM. Noong paalis na kami ng SM, nasa tawiran kami, tapos sa harapan namin may mga taong tatawid din. Napatingin ako sa isang lalake na papatawid. Ang gwapo! Nakatingin din siya sa akin. Akala ko nadaanan niya lang ako ng tingin, kaya tinagalan ko yung tingin ko sa kanya. Pero hindi niya inaalis yung tingin niya sa akin! Shit. Tumawid na lang siya, sa akin pa rin siya nakatingin. So, nakatawid na siya. Hinihintay na lang namin yung sasakyan namin. Tapos, biglang napalingon ako sa likod ko. Feeling ko kasi may takatingin sa akin. Meron nga talaga. At siya ulit. Nakalinya siya papasok ng SM. Andami kasing tao noon, kaya nagstuck up doon sa entrance. Nakatingin talaga siya sa akin. Sa akin! Isang gwapong lalake nakatingin sa AKIN! Ayeeee. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. LELS. Sana makita ko siya ulit. Heehee.

  1. be1le posted this